Sa tuwing naalala kita…

Hindi naging tayo, walang naging tayo pero bakit naramdaman ko na sa bawat tawag na nakikita ko ang pangalan mo sa telepono ko, ngumingiti ako ng inboluntaryo. Sa mga kwento mo na minsan iwas sa mga gusto ko pero natutunan ko na pakinggan na walang reklamo. Sa bawat letra na binubuo ang mga salita mo, bumubigkas ka na parang awit na tagos sa puso. Sa bawat pag aalala lalo na nung nasa digmaan ka, di ko maiwasan isipin kung anjan ka pa ba? Pero tapang mo at determinasyon napatunayan ko. Sa ilang buwan na araw araw kitang kausap, sa araw na tayo’y nagkikita. Kumakabog dibdib ko ng walang patumanga. Sa iyo, kaya kong maging ako. May kaya palang pumantay sa daldal at kulit ko. Parang ikaw at ako, parang tayo. Kaya siguro umaasa ako. Pero hindi ko alam, hindi ko sigurado kung sumugal ba ako paano?

Parang ikaw at ako, parang tayo. Kaya siguro ako umasa

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s