Pitong Taon

Sa aking nakaraan,

Nakita at nakasama kita muli, sa ilang oras, sa ilang panahon, sa ibang lugar na ngayon ko lang narating, ang mga hapunang napuno ng kwentuhan at mga tanong na kamusta na si ganito, tayo pa ba nung nawala si ganito? napatigil ako nagiisip kung wala na nga ba tayo nung mga nangyari ang mga bagay na un. sabi ko OO wala na.

ang tagal na din pala non, mga kulang kulang walo hanggang sampung taon. di mo ba tatanungin ilang taon kita tuluyang kakalimutan? mga pitong taon.

Pitong taon kapalit lang ng mahigit na dalawang taon na magkasama tayo. pitong taon nasanay lang ako na wala ka na sa tabi ko, hindi ko naririnig ang boses mo, na hindi ko nararamdaman kung gaano ka kasaya dahil sa mga kwento at mga hirit ko. Nasanay na lang ako na wala akong sinasabihan na “ang amos mo at ang dami mo nanaman dumi sa damit mo” sa tuwing kumakain tayo.

mahigit tatlong taon na kitang hindi nakikita. Inakala ko na sigurado na ako sa sarili ko na, wala na akong ibang turing sayo kung hindi isang ordinaryong kaibigan tulad ng iba. Nandoon man ako sa pagitan ng pagkumabinse at sa pagdududa nanaman sa aking sarili. Sa bawat hakbang na akoy sa braso mo naka abri-siete. Sa pag akbay na parang dati, sa kantang dati natin kitakanta ng sabay at sa sabay na pagtawa dahil sintunado yung kumakanta. Sa paghila mo sa akin nung ginigisng kita at sabihin na “Dito ka muna sa tabi ko”

walang umuungkat sa kung ano nga bang nangyari bakit tayo naghiwalay noon. relihiyon mo lang ba talaga o may iba pa? Sa sarili ko mga pitong taon ko na ding tinatanong. Pero bigo akong marinig ang sagot doon. Siguro nga ipagdadamot pa din ng mundo yun.

Parang sa bawat muli nating pagkikita nababawasan ang mga ipinundar kong lakas ng loob para limutin ka.

YEc7WB6ASDydBTw6GDlF_antalya-beach-lulu_0

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s